Fountain

Exterior. Burnham Park. Walkway paikot ng Burnham Lake. Hapon

Naglalakad ang dalawang magkaibigan paikot ng Lake. Hindi pinapansin ang mga nag-aalok ng Boat ride.

J: “Naalala mo ba yung International Licensure exam para maka work tayo sa Australia?”
M: “Oo, bakit?”

Ngumisi si J kay M.

J:”Nakapasa ako eh!”
M: “Weh di nga?”
J:”Seryoso ako!”

Mahinang sinuntok ni J si M sa braso nito.

M: “Oo na. Libre ko?”

Biglang tumahimik si J at bakas sa reaksyon niya ang pagkaseryoso.

J:”Bukas na ako bababa ng Manila. Bukas ng gabi na rin ako flight ko. Pero…”

Nabura ang ngiti ni M sa kanyang mukha at hindi na muna ito nagsalita.

J: “Pero….Bago sana ako umalis may gusto akong sabihin sa’yo….”

Napatingin si M sa kaibigan nito at napansin na huminga si J ng malalim.

J: “Bago mo pa’ko nakilala 4 years ago, kilala na kita. Simula noon gusto kong makilala kita ng personal. Maging magkaibigan tayo o kahit maging classmate kita. Dahil gusto kitang nakikita araw-araw. Dahil gusto kita…..at tinagal tagal ng panahon, masasabi kong mahal na kita. ”

Nagpakita si M ng mapaglarong ngiti at sinabing…

M: “Alam ko”

Nanlaki ang mga mata ni J at namula ang pisngi nito.

M:”Alam ko na yan. Simula nung magkakilala tayo.”

Umupo ang dalawa sa isang bench sa tapat ng fountain sa Lake.

J:”Pa’no?”
M: Ganon din naman ang naramdaman ko sa’yo eh.

Napaiyak si J at nagulat naman si M

M:”Oh Bakit? Anong nangyare sa’yo?”
J:”Bakit..ngayon pa? Kung kelan aalis na ako. Akala ko magagalit ka sa akin kaya ko sinabi sa huling araw na kasama kita…..Bakit ganito pa….Sabi ko kailangan ko lang makalaya sa’yo para kung may makilala man ako sa pupuntahan ko, malaya na akong magmahal ulit….malaya na ako sa’yo…..ayaw ko na tuloy umalis…”

M: “May makikilala ka talaga dun….”

May dinukot si M sa kanyang Bag at pinakita ito sa nakayukong J.
Plane Tickets. Bukas ng Gabi ang departure.

Nang tumango si J para tignan si M. Sumakto ang labi ni J sa labi ni M….Walang nakakita sa kanila dahil nakatuon ang lahat sa makulay na ilaw at nagtataasang nagsasayaw na tubig ng Fountain.

Hindi ko na kayang ituloy pa ang kwento nila. Dahil ang kwento nila, sana maging kwento din namin. Pero ang pinagkaiba ko sa kanila. Nabubuhay sila sa panaginip ko at ako……

…ang nasa reality nila.

Advertisements

2 thoughts on “Fountain

  1. I like your posts they almost caught my attention while surfing some feed but I’m new here I hope we can be friends. Im following you. Follow me let’s be friends.. God bless xx im also about to study in Baguio. I love burnhaaam

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s