SONA 2015

Napanood ko ang SONA. Pero hindi ngayon. Ang napanood kong SONA ay last year, pero yung kanina hindi pa, dahil may lakad ako. Pero isa lang ang alam kong siguradong mangyayari and masasabi….

“Walang nagawa”

“Palpak na administrasyon”

Bumbero, barricade, bato, at mga pulis.

Naabutan ko ang evening news kanina at natawa na lang akong napiliing interviewhin sa mga nagdedemonstrate.

Reporter: Anong masasabi mo sa SONA ni PNoy?

Interviewee: Hindi ko po alam.

Reporter: Bakit po kayo andito sa People’s SONA?

Interviewee: kase…walang sasama sa ganito nila e

Napakadaling sabihin walang nagawa ang isang tao. Palpak ang lahat ng effort o solution sa problema. Madaling sabihin na mali ang isang bagay. Walang pagbabago. Madaling magreklamo, punahin ang pagkukulang at ibigay ang buong atensyon sa mga pagkakamali.

Tama. Walang pagbabago. May nagrally sa daan, may nangbato, nanguyog at basaan ng tubig.

Tama. Palpak ang pagsigaw sa kalye ng mga problema, kapalpakan, at reklamo sa kalye. Dahil isigaw man yan oh hinde mananatiling problema yan maliban lang kung susubukan mag isip ng solusyon at yoon ang isigaw sa kalye.

Tama. Walang nagawa. Dahil sa totoo lang kahit hindi ipagsigawan ang mga problema, alam na nating lahat ito. Napagod, nagkasakitan and namaos lang ang mga taong ito. 

Ang pagbabago hindi magagawa lang ng isang tao. Paano mo aasahan ang pagbabago kung ikaw mismo hindi susubukang magbago. Bago sana sabihin na walang nagawa ang isang tao, isipin muna kung ikaw mismo may nagawa. Imbes na ipagsigawan ang problema, isisi sa isang tao at magreklamo, subukang gumawa na lang ng solusyon sa mga problema at ito ang ipagsigawan.

Hindi ako against sa pagrarally at pagpapahag ng saloobin. Karapatan ng lahat yan. Lumaya at naibalik ang demokrasya na meron tayo ngayon dahil dyan. Pero sa tingin ko, sa dami ng rally na napapanood ko at sa halos sampung taon na nagkaroon ako ng pakialam sa balita at nakikita ang mga protesta….nawalan na ako ng tiwala.

Hindi ko malaman kung anong gusto nila. Sa totoo lang, wala pang presidente na hindi nila sinabihang palpak o hindi pinagreresign.

Alam kong may pagkukulang ang presidente. May mga problemang hindi nabigyan ng atensyon. Pero hindi ibig sabihin WALANG NAGAWA at WALANG PAGBABAGO or hindi sinubukang baguhin ang sistema.

Saloobin lamang ng isang Pilipino na nais kong ipahayag dahil karapatan ko din ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s