Bakit

“Magtanong ka lang ng “bakit?” sasagutin kita.”

Itanung mo lang kung bakit kita binabati sa tuwing birthday mo sa loob ng nakalipas na mga taon.

“Bakit?”

Itanong mo lang kung bakit, sa tatlong taon na hindi tayo nagkikita, kapag nakita kita parang kahapon lang kita nakita.

“Bakit?”

Itanong mo kung bakit may hindi maburang ngiti sa aking mukha tuwing nasusulyapan kita

“Bakit?”

Itanong mo kung bakit, hindi ko makapagsulat sa wall mo, maliban sa birthday mo.

“Bakit”

…..

Dahil mahal kita.

Bakit, kailanman hindi mo pa ako tinatanong kung bakit para malaman mong mahal kita?

Starlight

Sometimes, I feel the need to cry Beneath the stars of the night sky

Thinking how peaceful it is up there

As compared to the hell, right here

I want to sleep beneath the starlight

Beneath those glittering white light

That pierce the the darkness of night

Starlight and darkness, in a fight

I want to see a comet, a falling star

Meteor showers, tears of the cosmos

Make a wish to something that far

Hoping to give, what I want the most

My eyes feels heavy, I want to sleep

Beneath the starry night sky, I dream

Wake up to what tomorrow will give

Live life, as it may seem

Nakakapagod

Ayan medyo matagal akong hindi nakapagpost. Kasi mas napalapit na ako sa realidad ng buhay….ang tunay na mukha ng buhay. May ganon.

Natanggap ako sa trabaho di ba? Nagtuturo ako sa limang klase, 250 mga kabataan ng bagong henerasyon.

Nakakapagod. 

Pero kinaya kong magsalita sa harap nila. Kinaya ko silang pangitiin. Nakaya kong ipaintindi ang lesson sa kanila. Kahit papano nasusunod ang mga patakaran ko.

Nakakapagod, pero natututo ako.

Ganito pala magtrabaho. Ganito pala ingatan ang trabaho, dahil sa ilang pagkakamali pwede itong mawala at magiwan ng pangit na imahe sa akin.

Nakakapagod. At humahanga ako sa mga guro, nakakaya nilang mabuhay at magkaroon ng oras mara sa pamilya.

Nakakapagod, pero kakayanin. Dapat kayanin dahil bigay ito sa akin, isang hamon at ganito kasi mabuhay.

Pinagdasal ko ito. At ngayon nasa akin na, dapat magpasalamat sa lahat ng kasa nito.