APP Life

Facebook
Ang walang kamatayang FB. Hindi na ata kumpleto ang APP life ko kung hindi ko ito nabuksan para lang mag-scroll at magsunog ng oras. Umaasa na may makapukaw pa ng attention ko….

“Bakit kaya yung mga taong gusto kong makita kung anong nangyayari sa buhay nila ang mga taong hindi nagpopost?”

….yung tipong si EJ at mga kaibigan kong ilang buwan ko nang hindi nakikita.

Instagram
@richardjuan, @kbrosas, @angelicapanganiban, @enriquegil, @jayewolf, @nadzlustre, @sebastiancastro @mainedcm…..Napansin ko lang na may mga nagko-comment nito.

“Pa-followback po plzz”
“Notice me please.”

…..nagtataka lang ako kung anong napupulot nila sa pag gawa nito, anong mangayayare pag finollowback nga sila at may nagfo-followback nga ba?

Messages
Asa pa ako noh na may magtext sa akin maliban sa 8888, 2366, 2343, etc. tsaka yung kamag anak kong may bagong roaming number at si Attorney na nagsasabing nanalo daw ako ng kotse, bahay at lupa tsaka kalahating milyon kahit wala naman ako sinasalihan.

Phone
Kung text nga wala eh….tawag pa kaya? maliban kay “Mama” at “Papa”

Grindr
Recently ko lang nainstall. Ang daming pugot ang ulo, or puro ulo. Lahat malnourished at puro mukhang abs…..or kasintigas din ng mukha nila ang abs nila.

“No pic, no reply”
“pic?”
“Coffee date?”

….punyeta. (Excuse the language) No pic, if not interested no reply dapat yan. Yung tipong naghello ka or binati mo ng maayos ang pambungad sayo “Pic?” yung tipo ng tao na parang nung nasa uterus pa sila ng nanay nila nagtanong muna yung doctor ng picture niya bago siya hugutin palabas. “Coffee date?” talaga lang ah….networking yan or magtititigan lang kayo, dahil ayaw na makipagusap kahit sa chat pa lang.

Clash of Clans
Dito yung magagalit sayo yung clanmates mong galing sa ibang bansa pag hindi ka tumira ng pangalawang beses sa war. Dito dibdiban ang laban, kasumpa sumpa ka kung aakalain mong CoC is just a game.

“Drags lvl4 pls for war”
“for raids”
“loot”

Viber
Para sa matitinong tao sa Grindr.

WordPress
Para sa matatalinong tao. Na nagbabasa. Dito nailalabas ko ang nasa loob ng isip ko na walang hinahabol na likes o kaplastikan, walang sinasantong tao, at walang nagpapadala sa desires at walang nanghuhusga. dahil…..karamihan ng tao wala dito sa wordpress= kakaunti na lang talaga ang may sense sa mundong ibabaw.

…..dyan nauubos ang oras ko tuwing wala akong trabaho…..at kahit may dapat akong gawin.

Advertisements

“Ikaw ang pag-ibig na hinintay…”

Nagkakilala tayo sa isang dating app na parehas tayong ininstall dahil wala tayong makausap sa mga oras na iyon.

“Puso ay nalumbay ng kay tagal…”

2 years na tayong single. Nasaktan sa mga dati nating nakarelasyon. Hindi pa handa parehas na magmahal ulit. Natatakot masaktan ulit. 

“…ngunit ngayo’y nandito na ikaw”

Konti lakad lang, magkataon lang na bumili tayo ng sabay ng kape, magkasalubong palabas ng building. Magkikita din tayo.

“Ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin na binigay sa akin ng maykapal”

Gumigising ako sa umaga na may bumabati ng “Good Morning” at may binabati ng “Magandang umaga” may tinatanong kung kumain ka na” at nagtatanong kung kumain na ako. Kung nakauwi na ako. Anong ginagawa ko.

“Biyaya ka sa buhay ko, ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw”

Matagal ko nang hiniling na dumating ka sa buhay ko. Hindi man magtagal. Dumating ka para maiparamdam sa akin na posible ang mga hiling o pangarap ko. Na may kayang magmahal sa akin at kaya kong suklian ang pagmamahal na iyon.

Walang drama.



Blackout

Signal no. 2

Umalis ako ng bahay para sa trabaho. Pagdating ko sa school, suspended na pala hanggang college. Nagpapasalamat ako dahil napaka stressful dapat ng araw na ito pero cancelled. Iniwan ko na lang ang mga exams na na record ko na at kumuha ng gagawin. Ganun din ang ginawa ng ibang faculty na pumasok ng maaga. Pero sila nagstay sa school dahil may generator.

Umuwi na ako. Blackout nga.

Tinuloy ang tulog. Gumising ng 1pm. Tumunganga. Naglaro ng Gameboy at sa Iphone. Tumunganga. Pero wala akong pinagsisihan.

Dati, noong wala akong trabaho naiisip ko sa mga blackouts na katulad nito, napaka wala kong kwenta. Pero ngayon, pahinga ko ito. Ako lang mag isa, with my own thoughts. Reconnecting with myself. (May ganitong drama)

Ayan, wala akong nagawa. Kasi pahinga naman ngayon.

Mahirap maging teacher. Magtrabaho hanggang bahay. Gumawa ng lesson plan, lectures, magcheck ng papers, magrecord at iba pa. Kahanga hanga.