Isigaw mo

Malapit na ang pasko at bagong taon.

“…It’s that time of year, when good friends are near…”

…….”Give love on Chri-ieeh-stmas day (On Christmas day-ey)

Lakas maka-LSS niyan. Actually, wala yang connect sa post ko, gusto ko lang mahawa kayo sa LSS ko ngayong dis-oras ng gabi.

Paano kaya kung wag na tayong bumili ng paputok ngayong Bagong Taon? (sabagay, sa ibang lugar bawal naman talaga pero may mga pinanganak na pasaway)

Paano kaya kung wag na tayo bumili ng torotot, i-todo ang volume ng TV, sadyang patunugin ang alarm ng sasakyan or magpatugtog sa basag na speakers? (anong balak ko? Gawing silent night ang new year? Hinde)

Paano kung gawin nating pampa-ingay ngayong Bagong taon ay ang mga bunganga natin?

Isigaw mo lahat ng gusto monh sabihin nilang pagpapaalam s taong ito.

Isigaw mo ng buong pagmamalaki sa buong mundo king gaano mo kamahal kung sino man ang mahal mo sa mga oras na iyon. Ipagsigawan mo na kahit mag-iba na ang taon, ang mga petsa at araw sa kalendaryo mahal mo pa rin siya. Na pangarap mo na pagkatapos ng mga selbrasyon ngayong holidays, siya sana ang una mong makikitaag gising mo kada umaga, siya sana ang nasa tabi mo pagputok ng araw at kasabay mo kumain ng almusalan. Isigaw mo na kay tagal mo siya hinintay or kung wala pa siya, handa kang maghintay.

Isigaw mo ang lahat ng tanim na galit sa puso mo. Murahin mo ng isang malutong na “Putang Ina” ang mga taong nang-gago or nangloko sa iyo. Magpatulo ka na rin ng ilang luha para humupa na ang sakit sabihin sa sariling huling beses ka na iiyak para sa mga nangyari sa nakaraan. Pagkatapos, hawakan ang dibdib at sabihing okay na. Patawarin mo siya at kalimutan, pero tandaan ang mga leksyon mula mga nangyari.

Sumigaw ng Punyeta, para sa New Year’s resolution mong ginagawa mo bago mag new year pero hindi mo naman natutupad sa loob ng isang taon. At uulitin mo ulit ngayon. Sabihin mong tama na, huwag nang magilusyon na papayat ka kung hindi mo kayang magsakripisyo, huwag umasang maging genius kung ang inaatupag ay facebook a kalandian at huwag umasang magkalovelife kung ang hinahanap na nilalang ay nagtataglay ng kagwapuhan or kagandahang galing sa ibang dimensyon. Sa halip, sabihin sa sarili naging mas okay ka ngayong taon, na maging better kesa sa katauhan mo sa nakalipas na taon. Kung gusto mong pumayat, simulan mo bago magpasko, kung kaya mong tiisin ang noche buena kaya mong tiisin ang mga pagkain sa regular na araw at mag exercise pagkatapos ng simbang gabi or bago pa matapos ang taon para hindi mo na ito iprocrastinate. Kung walang lovelife, maghintay, makipagusap, makipagkilala etc. Walang taong magiging parte ng buhay mo kung wala kang hahayaang makapasok dito, kahit may posibilidad na masaktan ka, may posibilidad naman na mahanap at makilala mo siya.

Isigaw mo ang mga goals mo sa buhay. Wag mo lang bigyan ng deadline, dahil mararating natin ang mga pangarap natin, sa tamang panahon. Hindi bukas, hindi next week, hindi next month at lalong hindi next year. Darating tayo dyan, basta magpursigi lang tayo.

Magpasalamat ka, sa lahat ng taong gusto mong pasalamatan

Sumigaw ka lang. Bagong taon naman. walang huhusga sayo.

Ikaw, anong isisigaw mo?

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s