Pinagpala

Minsan, napapaisip na lang ako.

“Bakit kaya may taong sadyang napakaraming biyaya ang natatanggap sa buhay?”

Yung tipong sobra sobra na ang natatanggap.

Yung halos lahat nasa kanya na. Lahat ng gusto, abot kamay lang.

Yung pangarap nila naging katotohanan na, parang nabubuhay na sila sa panaginip nila.

Yung tipong ang isang basong kape na iniinum nila ay mas mahal pa sa kinikita ng isang tao.

Yung halaga ng pagkain nila na ubod ng ganda ngunit kakarampot lang, kaya ng magpakain ng isang pamilya.

Yung palikuran niya, mas malaki pa sa bahay ng isang pamilya.

Bakit kaya?

Iniisip ko na lang. Baka naman dati may mga pinagdaanan din siya.

Naranasan niyang mawalan ng kanyang pag-aari.

Yung tipong sinuko na ng tadhana ang buhay niya. Halos, inaantay na lang niya ang kamatayan

Na ang buhay ay isang napakasamang bangungot at sana’y gumising siya sa isang panaginip at duon na lang manatili.

Na kahit isang baso ng malinis na tubig hindi siya makainom

Na lumipas ang ilang araw at hindi pa rin nakakakain.

At matulog sa simbahan, marungis, mabaho at umiiyak.

Lahat tayo may pinaghihirapan.

Huwag lang susuko at ipagpatuloy lang ang pag abot sa mga pangarap.

Dahil balang araw baka tayo din

Pagpapalain.

Advertisements

One thought on “Pinagpala

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s