Bakit pa kita nakita?

Kung sumuko ako sa pagod ko kanina at umuwi agad hindi sana kita nakita.
Kung pinilit kong tapusin ang ginagawang kong presentation, hindi sana kita nakita.
Kung hindi ko inantay yung katrabaho ko ng 5 minuto, hindi sana kita nakita.
Kung hindi ko siya pinaunang sumakay ng taxi, hindi sana kita nakita.
Kung hindi ako nag-antay ng 20 minutes para makasakay, hindi sana kita nakita.
Kung hindi pinili ng taxi driver na dumaan sa Cathedral, hindi sana kita nakita.
Kung hindi ako napapaisip ng malalim at napapatingin sa bintana ng taxi, hindi sana kita nakita.

Hindi ko sana nakita….

…..ang napakaputi mong uniporme.
…..ang salamin mong kinuha ang atensyon ko
…..ang ngiti mong nakapaibig ako
…..ang taong minamahal mo.

Masaya ako na nakita kita.
Masaya ako na nakita kong masaya ka….pero….

Bakit hindi ko alam kung masaya ako dahil may kasama kang iba?
Bakit ngayon, iba? Bakit tila may luhang ayaw lumabas?
Pusong tila nagkaroon ng tinik na sa bawat tibok ng puso may kirot na nararamdaman
Nasagad na ba ako? Bakit hindi kita mapakawalan kahit ang sakit sakit na?

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s