Sa Mars

Fellow LGBTs and our supporters, punta daw tayo sa Mars.

Pinanood ko ang interview. Pinanood ko din ang rebuttals and reaction ng personalities. Binasa ko ang ilan sa mga comments. Nasaktan dahil sa sinasabi ng iba. Naging proud at nagkaconfidence sa defense ng iba.

Hindi ko na makuhang mainis sa kamangmangan ng iba.

Hindi ko na bibigyan ng effort intindihin ang insult nila.

Hindi ko na hahayang masunog ang kaluluwa ko bago pa ako makarating sa impyerno sa panghuhusga ko sa kanila para lang lumaban. Alam ko makasalanan ito ng pagkatao ko, bakit ko pa dadagdagan sa panglalait or pag insulto sa mga “normal” na tao.

Wala akong iko quote sa bibliya,dahil hindi ko ito ISINAULO kundi ISINAPUSO ko ito. At ang ilan sa mga natutunan ko ay mahalin ang nag iisang Diyos at mahalin ang kapwa.

Ngayong araw nalaman ko na ang katulad ko o mga kauri ko ay mas malala sa hayop. Nalaman ko rin na pinapapunta kami ng Mars.

Kung may nilalang lang na mas malala sa hayop, bakit hindi? Kung  ganyan na pala maging tao ngayon.

kung pwede lang pumunta sa Mars ang mga taong katulad ko at mga taong tanggap kami, bakit hindi? Tutal gawain ng tao na abusuhin ang lahat ng meron sila, kalikasan, kapangyarihan, kayamanan at karapatan.

Halina’t pumunta tayo ng Mars.

Maraming salamat sa taong nagbigay karangalan sa bansa pero 2 beses lang pumasok sa trabaho.

Maraming salamat sa taong ilang dekada na sa trabaho na tila gusto niya na rin ilibing sa senado.

Maraming salamat din sayo, sa pagbasa sa aking napakalalang post dahil ito ay isang post ng nilalang na mas malala sa hayop at gustong pumunta ng Mars.

Dahil doon, walang internet at wala kayo.

Advertisements

One thought on “Sa Mars

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s