Pila

Para tayong nakapila.

Nakatinging tayo sa taong nakatalikod sa atin at nakatalikod tayo sa taong nakatingin sa atin.

Bakit nga ba pinipili nating mahalin ang taong hindi tayo mahal or may mahal nang iba at tinatalikuran o tinatanggihan ang mga taong buong pusong nagmamahal sa atin. Nagmamahal sa atin, na katumbas ng pagmamahal natin sa taong tinalikuran tayo.

Hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Saan ba tayo nakapila? Kelan ba haharap sa atin at titignan tayo sa mga mata? Kailan ba tayo tatalikod para makita ang taong nakatingin sa atin?

Oo, may point naman na mahirap pilitin ang sarili mahalin ang taong hindi naman natin pinili or mahal dahil lang mahal nila tayo. Hindi natin obligasyon na ibalik ang pagmamahal nila, pero wala tayong karapatan na pigilan silang mahalin tayo. Linawin lang natin na hindi talaga pwede, para hindi lumabas na paasa tayo. Uulitin ko, wala tayong karapatan na pigilan silang mahalin tayo. Hindi natin sila pinapaasa, masasaktan sila oo, mapapagod sila, at titigil silang mahalin tayo sa sarili nilang desisyon.Kung yun lang ang nararamdaman nila sa kasalukuyan at ipipilit mong tumigil sila….anong mararamdaman nila? hindi yan facebook reaction na kayang mapalitang after a long press. Tao tayo, hindi status update.

Masakit mareject, umasa at makipagbreak…pero sa tingin ko mas masakit maramdaman ang mga bagay na ito kung aaminim mo sa sarili mo na nireject, umasa ka at break na kayo. Mas masakit na pinaramdam niya ito sayo imbes na sabihin sayo ng diretso.

Napakasakit. 

At habang tumatagal lalong sumasakit. Parang isang disease cycle lang na paabot pa lang sa acute phase.At parang sakit, kung tutuntunin mo ang pinaka cause ng sakit, ikaw ang dapat sisihin. Dahil hindi ka magkakasakit kung hindi ka naexpose sa causative agent, made contact with the causative agent or you made yourself vulnerable. At parang sakit din, after a period of time gagaling ka, magiging immune sa dahilan ng sakit mo. You come out stronger.

Back to Pila

Pero it makes me wonder, Kailan nga ba darating yung panahon na mapagod ang nasa harapan ko at biglang humarap sa aking at makitang hindi ako sumuko at nakatingin pa din sa kanya? Kailan kaya niya hahawakan ang mga kamay ko at parehas kaming aalis sa pila?

Ngunit…

Ako din napapagod. Baka sa oras na humarap siya sa akin, ako naman ang nakatalikod sa kanya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s