Hindi ka Maiiwan

“Wala namang maiiwan kung walang nang iiwan.”

Totoo naman. Pero maiiwan ka lang naman kung magpapaiwan ka. Sa puntong ito, iniwan ka talaga at sa isang banda hinayaan mong maiwan ka.

Ang ibig kong sabihin na sa atin din kung choice natin magpaiwan. Kapag umalis siya, kailangan bang huminto ang buhay natin? Karamihan sa atin ganito. Nakasanayan nang nasa tabi siya sa lahat ng ginagawa natin. Ginagawa silang Araw ng solar system at ang buhay natin ang mga planetang umiikot sa kanya. Kaya pag nawala, hihinto, hindi na alam kung anong gagawin.

Okay lang naman huminto ng saglit. Namnamin ang sakit na nadarama. Dahil nilisan ka ng taong akala mong hinihintay mo simula ng ma-introduce ka sa konsepto ng pag-ibig. Umalis ang taong akala mong kasabay mo sa pag-usad ng natitira mong buhay. Pero hinde. Nauna na siya, naiwan ka. Hindi mo alam kung babalik ka na lang ba sa nakaraan, maghihintay sa pagbalik niya, hahabulin siya o tutungo sa ibang direksyon palayo sa kanya. Hindi mo alam ang gagawin mo kaya ka huminto at naiwan. Hindi mo pa alam.

Pero sa pagkakataong nagsawa ka na sa kung ano man ang pinili mong gawin matapos ka niyan iwan at nagkaroon ka na ng ideya. Uusad ka din. Kahit gaano ka kabagal o nangangapa sa daang tinatahak mong mag-isa, umuusad ka. At sa pag-usad ng buhay mo, sa bawat alaala na nagpangiti, nagpatawa, nagpagalit, at nagpaiyak sayo, mapagtatanto mo na ang mga bagay na ito iniiwan mo at lalagpasan mo. Hindi mo na namamalayan ang oras, at sa dami ng mga naranasan mo, yung sakit na nararamdaman mo ngayon at yung pagmamahal na akala mong wagas para sa kanya ay naiwan mo na rin.

Malay mo, pag nagkita kayong muli. Hindi na pala ikaw ang napag-iwanan kundi siya. Nasasayo ngayon kung ano ang gagawin mo.

…uusad ka pa ba at tatahakin ang buhay mo ng mag-isa?

…babalikan mo siya at aalalahin kung paano siyang mahalin?

…aantayin siyang mahabol ka at sabay kayong uusad sa hinharap?

“Wala naman talagang maiiwan, dahil may paraan naman para umusad. Kahit gaano pa ito kahirap at kabagal.”

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s