Ang Mansanas

Naglalakad ka sa campus nang makita mo si crush. Lumakad ka sa direksyon niya hangang tatlong tao na lang ang agwat niyo sa isa’t isa. Nakatalikod siya habang ikaw naman may hawak na mansanas na kakainin mo sana.

Pero dahil narrator ako, susundin mo ang lahat ng sasabihin ko  dahil paglalaruan muna kita. At may ituturo ako sayo.

Ngayon, imbes na kagatin mo ang mansanas na hawak mo, iabot mo ito sa nakatalikod mong crush. Hindi ka magsasalita. Hindi ka lalapit. Lalong hindi mo pwedeng iutos sa kahit sino man. Iabot mo lang ang mansanas hanggang mapansin ka niya.

Nakakangawit di ba?

Edi ibigay mo. Pakawalan mo. Ngayon naman, nahulog ang mansanas mo sa semento. Madumi na.

Kasalanan ba niya kung bakit nahulog ang mansanas?

Kasalanan ba niya na sa kanya mo gusto ibigay yung mansanas?

Kasalanan ba niya na may kausap siyang iba?

Hinde. Ngayon, palitang mo lang yung mansanas ng pag-ibig mo sa kung sino man ang naiisip mo ngayon. Kasalanan ba niya na hindi niya ito napansin, nakita or naibalik sa iyo?

Paano kung binato mo sa ulo niya yung mansana? Edi malamang nagalit siya sayo.

Kaya huwag ipilit ang sarili sa ayaw naman sa iyo.

Paano kung tinawag mo siya at binigay ang mansanas kaya lang tumanggi pa din siya kasi mangga ang gusto niya?

Edi tinanggihan ka niya.

At least hinarap ka niya at nakapagusap kayo. Pero hindi talaga ikaw.

Pero paano kung nahulog ang mansanas, pinunasan ito at inabot sa iyo?

Paano naman kung napulot niya ito pinunasan at kinain habang inaabot ang baon din niyang mansanas?

Ewan na. Ikaw bahala. Di ko alam, kasi sa lahat ng mansanas na nahulog ko, wala pang bumabalik sa akin.

Advertisements

2 thoughts on “Ang Mansanas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s