Ayoko na.

Malamang lahat tayo nasabi na yan. Baka pagkatapos mong mabusog sa naparaming handa noong piyesta or noche buena o noong sadyang pagod ka na sa trabaho. 

“Ayaw ko na.”

Pagkatapos natin sabihin ito sa sarili natin o kung sino man ang kasama natin, hihinto tayo sa kung ano man ang inaayawan natin. Marahil pagkain o yung dating gustung-gusto natin pero ngayon ayaw na. 

“Ayaw ko na.”

Ayaw mo na dahil okay na, sapat na, satisfied ka na or pagod ka na. Ayaw mo na dahil naubos na ang pasensya mo, napagod ka na maghintay. Ayaw mo na. Ibig bang sabihin sumusuko ka na? Pwedeng Oo, pwedeng hinde.

“Ayaw ko na.”

Sa mga katagang yan, naguumpisa ang katapusan ng isang bagay. Napagod ka na at sumusuko ka na. Hindi na ito nagbibigay ng fulfillment o kaligayahan katulad ng dati. Minsan nagdudulot na ito ng stress o kalungkutan. Kaya siguro ITITIGIL MO NA. 

Ngunit hindi natatapos dyan ang kwento mo. Tinapos mo lang ang isang kabanata, hindi ang buong libro ng buhay mo.

Kaya laging tandaan.

Lahat ng bagong panimula naguumpisa sa “Ayoko na.”

Alamin kung kailan mo ipaglalaban o isusuko ang isang bagay; ang dahilan para ipaglaban o isuko ang isang bagay; ang epekto sayo kung ipaglalaban or isusuko mo ito.

Para sa huli. Pagsinabi mong “Ayoko na.”

AYAW MO NA.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s