Oo nga.

Mas maganda na lang isipin ang sarili mo. Hindi iniisip ang ibang tao.

Papasok. Uupo. Magtatrabaho. Magliligpit. Uuwi. Yun lang. 

Mas maganda na yon kesa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon.

Oo nga. Mas maigi na yun na lang ang gawin tutal yun naman ang bumubuhay sakin. Nagbibigay ng kita, nagbibigay ng kakayahang mabili ang gustong bilin o makaipon ng malaking halaga.

Oo nga mas magandang ganyan.

Naalala ko din kasi, na ganyan ako dati. Natatapos ko ang lahat, nakakatulog ng mahimbing. Gigising sa umaga at magtatrabaho ulit.

Pero hindi ako masaya.

Iniba ko, nakipagsalamuha ako, naging masaya kahit sa maikling panahon. Pero hindi palaging ganoon. Pero medyo napabayaan ang trabaho.

Pero naging masaya ako.

Kaya lang hindi yon nagtatagal. Mahirap talaga pag nakasanayan. Hinahanap hanap mo.

Ang trabaho nandyan lang, ang pagkakataon sumaya lumilipas yan.

Pero….

Masaklap din isipin na ang mga taong nakasama mo magsasawa sayo at lilisan sa buhay mo.

Ang trabaho, andyan lang at hindi ka iiwanan.

Oo nga, mas maganda yon.

Kahit mahirap. Piliin mo lagi ang sarili mo. Dahil wala namang gagawa niyan para sa iyo.

Nagtaka ka pa ba? Nakakadala na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s