Ganito Pala

Masaya ako na mahal pa rin kita.
Kahit hanggang dito lang talaga
Masaya pa rin ako na mahal kita.
Tanggap ko na, hindi na ako aasa

Ganito pala, pag nahanap mo na.
Magiging sumpa or gantimpala
Dahil minsan kailangan magparaya
Para sa taong sayo’y nagpapaligaya

Mahal kita, walang halong drama.
Ayaw kong mag move on sa’yo
Masaya akong minamahal kita
Mahal kita dahil dun ako masaya.

Advertisements

“Friendship – No – Friendship” Friendship

Kung napanood niyo yung movie na “Ang Babae sa Septic Tank” may scene doon na may 3 types of acting, namely: Elevator Acting, TV patrol Acting and “A is, where is” Acting.

Remember? Anyway ang focus natin as ang “As is, where is” Acting dahil mejo similar siya sa ipopoint out ko ngayon. Which is ang “Friendship – no – Friendship” Friendship.

Kabulol ba? Simple lang naman yan.

Yung friendship na parang hindi kayo friends sa mata ng iba pero alam niyo sa sarili niyo na magkaibigan kayo. Kampante sa isa’t isa kahit hindi nakikita ng iba. Yung parang pati DNA, mga ugat niyo sa katawan at thread of fate niyo eh magkadugtong na. Madalang kayo magkita, pero parang wala lang ang oras at distansya niyo sa lalim ng pagkakaibigan niyo. Hindi man kayo magkita ng matagal, walang nagbago. Yung parang kahapon lang yung huli niyong pagkikita. Walang excitement, pero hindi naman masyadong boring. Kaya magtataka yung ibang tao kung magkaibigan ba talaga kayo.

Friendship – no  – Frienship Friendship

Its not for everyone. Para sakin, sobrang taas ng level ng friendship na ito. May tendency kasing mamisinterpret ang non-excitement to neglect. Sa level of friendship na ito, importante din ang mutual understanding at trust. Nagkakaintindihan kayo na importante kayo sa isa’t isa, alam niyo ang place niyo sa buhay ng isa’t isa, at kilala niyo ang isa’t isa na alam niyo ang takbo nagpag-iisip. Nagkakasakitan, oo, hindi naman maiiwasan yan pero, nauuwi sa pagkakaunawaan.

Friendship – no – Friendship Friendship

Masarap siguro magkaganyan.

 

Jouska Quartius

Jouska – n. a hypothetical conversation that you compulsively play out in your head—a crisp analysis, a cathartic dialogue, a devastating comeback—which serves as a kind of psychological batting cage where you can connect more deeply with people than in the small ball of everyday life, which is a frustratingly cautious game of change-up pitches, sacrifice bunts, and intentional walks.

I’m tired of suppressing my emotions.

As well as expressing my concern on people who don’t want them.

I react too little, I will be perceived as cold.

I react too much, I become annoying.

Jouska Tertius

Jouska – n. a hypothetical conversation that you compulsively play out in your head—a crisp analysis, a cathartic dialogue, a devastating comeback—which serves as a kind of psychological batting cage where you can connect more deeply with people than in the small ball of everyday life, which is a frustratingly cautious game of change-up pitches, sacrifice bunts, and intentional walks.

Habang nagbabasa ng mga report sa Starbucks….

A: Hindi ka nanaman nagsasalita, Yan.

L: Oo nga ngayon nga lang ulit tayo nagkasama.

C: (na-awkward ng kaunti) Ah sorry…Oo nga noh. Sensya nasanay na. Ano ba….hmmm. So far, recently na mimiss ko na naman si Rem. Nakikipag-away sa inner demons ko. Kayo ba anong bago? tagal na natin hindi nag – uusap eh.

A: Hay nako! (sabay irap) siya na naman?! Ewan ko sayo.

L: Akala ko ba okay na, besh?

C: Okay naman na talaga. (kinukumpas ang kamay)

A: Chuserey. (sabay higop sa drink niya)

C: OO NGA!!!….bitch. Kayo ba kamusta na kayo kay Ted???!!

L: Kalma mga beshies. Ako okay na me, wala na. (humigop ng drink niya)

A: I’m not sure. I think wala na.