Note to Self

Halos dose oras na pagtulog.

Pag-gising mo nakatulala ka sa kisame ng iyong kwarto.

Iniisip kung
bakit ang bigat ng pakiramdam mo
bakit ka malungkot?
bakit kahit ipinakita mong malungkot ka walang lumapit sayo?
bakit walang naghahanap sayo?
bakit malaking bagay sayo ang hindi napapansin ng iba?
bakit parang binubulong sayo ng buong mundo na dapat lang na mag-isa ka?
bakit parang hindi ka mahalaga?
bakit pag sinubukan mong mawala, mas lalo ka lang madidismaya?

Nararamdaman mo tuloy na napakatoxic mong tao.

Dahil sa nararamdaman mo, dapat ka nilalayuan. Kaya mong kunin ang kaligayahan sa lahat ng magagandang bagay sa mundo.

Pinilit mong itago lahat yan para kahit minsan maramdaman mo kung paano mabuhay ng masaya, gumising na may ngiti sa mukha imbes na tumutulo ang luha. Magbabad sa ingay ng iba at hindi malunod sa iyong sariling isipan.

Pero na pagod ka.
Sa pagpilit mong pigilan ang lahat ng nararamdaman mo napansin mong maiiwan ka rin lang kasama ang mga bagay na tinatago mo, yung mga emosyon na hindi mo ipinakita dahil natatakot kang ito ang maging dahilan para iwan ka nila. Napagtanto mong hindi nakikita ng iba ang mga luha tumutulo sa likod ng iyong mga mata. Yung pawis mo dahil nahihirapan ka nang huminga dahil sinasakal ka na ng mga sarili mong sagot mo sa mga katanungan mo sa kanila.

Alam ko mahirap pero kaya mo yan.
Lilipas din yan. Magiging okay ang lahat. Nandito ako para sayo.

sana ngayon alam mo na.

Mabuhay ka para sa sarili mo.
Huwag ka nang umasa sa iba para sa kaligayahan mo.

Oras na para maging makasarili ka ulit.

If you feel like you don’t deserve how people are treating you, maybe they don’t deserve a person like you.

Flip the f*cking chapter. Move on.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s