Ang Kwento Nating Dalawa

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nararamdaman mo yung mga nararamdaman ko dati. Sa wakas, maiintindihan mo ang mga hugot ko dahil ngayon yan na rin ang mga hugot mo sa ngayon…

Pero hindi. hindi ako masaya na nilalaktawan ka ng tingin ng taong nais mong mahalin. Binabalewala ka ng taong nais mong pahalagahan. Nakikita mo kung gaano siya kaperpekto para sa iyo pero sa mga mata niya nangingibabaw ang kulang sayo. Iniisip mo siya sa tabi mo, gaya ng pangarap niyang makatabi ang taong mahal niya. Tuwing gabi siya ang iniisip mo para makatulog nang mahimbing para lang gumising sa umagang dala ang katotohanang hindi mo siya makakapiling.

Nangarap, Nagmahal, Naghintay, Napagod, Nalungkot, Nasaktan, Nagalit at Nakalimot

Umasa, Kinilig, Ngumiti, Tumawa, Umiyak, Nagpahinga, Nagpagaling, Nag-isip
Sumuko, bumitaw at lumaya.

Sana hindi mo maramdaman na ikaw ang pinakamahirap mahalin na tao sa buong mundo.

Dahil minsan may nagmahal sa’yo, handa kang mahalin nang sobra, kahit hindi mo sinasadyang iparamdam lahat ng yan sa kanya.

May mga minuto sa bawat araw na naiisip pa rin kita. At sana ito’y maging segundo na lang hanggang makalimutan kong…

Mahal pa rin kita.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s