500

Eto ako sa tapat ng laptop, nakatitig sa “create a post” na page ng blog kong walang nagbabasa.

Isang pamilyar na alert tone ang bumasag sa katahimikan

Grindr: New Message Received

Yan?

Yes?

Can’t believe you’re still here.

May problema ba kung andito pa rin ako?

Wala naman.

Sino ba’to?

Hulaan mo…

K bye.

Uy saglit. I held your hand sa taxi once.

Nick?

Yeah…hahaha so hindi mo pa pala nakalimutan?

Tangina mo, hindi mo pa nababayaran yung 500 na inutang mo.

Babayaran ko na, paglumabas tayo bukas.

Sa BPI na lang. may gagawin ako bukas.

Booking?

Oo. Pake mo?

Yan, aantayin kita sa bench sa tapat ng boat na mukhang swan sa Burnham Lake.

Continue reading “500”

Advertisements

Schedule

5:43 am, makulimlim at tila hindi pa sumisikat ang araw.

Nakita ko sa facebook na dumating na si Reg galing Korea. Halos apat na taon na kaming hindi nagkikita. Alam ko na umuuwi siya ilang araw bago magpasko pero hindi kami nagkikita.

6:27 am, sumakay ako sa taxi na amoy expired na air freshner. Nakakahilo.

May nag-DM sa akin sa Instagram kaya ko binuksan. Ang una kong nakita, post ni Reg. Nasaloob siya ng Victory Liner na bus, window side, kitang kita na kakalampas lang sa Lion’s Head. Caption: “I’m Back.” May 2 comments at 5 likes. Ako na yung pang-anim.

12:23 pm, Lunch. Monggo at Lechon Kawali. Lakas maka-healthy living to kababuyan real quick.

Nagbasa sa twitter ng mga kagaguhan ng mga tao for entertainment. Nag-notif yung messenger. Si Reg.

Continue reading “Schedule”

Sapat Na

Sapat na. na makita ka tuwing umaga
Nakangiting bumabati, puno ng saya
Kahit hindi para sa akin kundi sa kanya
Sapat na, basta makita kang maligaya

Sapat na, sa ating katiting na usapan
Tila ang segundo ay walang hanggan
Mga salitang tila walang katuturan
Sapat na, basta ika’y mapakinggan

 Sapat na, na alam mong nandito ako
Nabubuhay, tumitibok ang puso
Humihinga, dumadaloy ang dugo
Sapat na, hanggang dito na lang ako

Sapat na, nasabi kong mahal kita
Kahit konting pagtingin sakin wala ka
Hiling ko na manahanap mo na siya
Sapat na, hiling ko na mahal ka din niya

Sapat na, na tayo’s pinagtagpo ng panahon
Ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon
Lilipas ang araw, linggo, buwan at taon
Sapat na, isa ka na lamang alaala

Sapat na ubusin ko ang nararamdaman sa iyo
Sa halip na ubusin ang sarili ko para sa iyo
Mananatili sa aking puso na “Minahal Kita”
Sapat na, kailangan ko na “Magmahal” nang iba

Tularan

**Based on the trending meme “Tularan si Juan” but made more about me.

Ito si Ian

Maagang Gumising, Nagluluto ng Breakfast at kakainin ito bago maligo.
Pagnaliligo si Ian, Sinisigurado niya na malinis siya at mabango.
Nag-dadamit si Ian ng angkop sa kanyang trabaho, isang guro.
Nagpo-polo siya ng plain color, or polo shirt na plain color
Naka slacks siya na black or dark colored na jeans
Magsusuot siya ng leather shoes or plain na vans
Aayusin ni Ian ang kanyang buhok, hindi pang porma kundi para mukhang disente

Magdadrive si Ian gamit ang kanyang sasakyan, kung coding nagko-commute
Hindi gumagamit ng cellphone si Ian habang nagdadrive

Hindi rin sobrang lakas ang kanyang radyo at hindi rin siya naka-eaarphones.
Pagdating sa School, magpapark si Ian ng maayos para konsiderasyon sa iba
Aayusin ni Ian ang gamit bago mag-klase,
Magbabasa ng kaunti para marefresh ang kanyang inaral na lecture kagabi

Babatiin ni Ian ang kanyang estudyante at magdadasal sila sa Umaga
Malakas ang boses ni Ian, confident sa kanyang Lecture
Nagkukwento si Ian ng bagay na related sa kanyang discussion para maintindihan ng kanyang estudyante
Nagbibiro siya minsan para magising ang ibang inaantok na

Bago matapos ang kanyang lecture, nagaanounce si Ian ng quiz o assignments
Nagpapaalam si Ian bago umalis ng classroom

Kumakain ng tama at sa oras si Ian, at sinisiguradong maasusutansya ang kinakain niya at pasok sa kanang budget
Pag bakante, nagbababasa si Ian at gumagawa ng lessons niya
Kung hindi man, Nagchecheck siya ng mga quizzes at requirements ng kanyang estudyante para maibalik ito agad
Hindi nanggugulo si Ian sa mga kapwa niya guro

Pagkatapos ng huling klase ng araw ni Ian, pupunta siya sa gym para magexercise
Ayaw niyang pabayaana ang kanyang sarili
Makikipagkita sa Kaibigan si Ian, para makipagkwentuhan at panatilihin mabuti ang kanyang mga kaibigan
Magrerelax si Ian, dahil nasa oras naman ang lahat ng kanyang ginagawa.

Tao si Ian, kailangan din niyang magrelax

Hindi magpapakalunod si Ian sa alak
Hindi maninigarilyo si Ian sa public
Hinding hindi nagdadrugs si Ian

Dahil isa siyang guro, at dapat maging modelo sa mga estudyante

Tapat si Ian
Mabait si Ian

Gusto kong maging tulad ni Ian
Tutularan ko si Ian

Dahil sa ngayon, hindi pa ako “Ian.”

Waiting at the Cathedral

I’m in my best attire. Waiting in front of the Cathedral, holding a bouquet of stargazers and white roses that we both love. I stand near the benches, in the sea of awkward glances, or amusement while I wait for you. I no longer feel uneasy of the way people looks at me, because the only thing that matters to me now is how you look at me. My ears had become deaf to the insults others throw at me and only hear your whispers. Then I realized that I stopped talking too much about them when I met you and I started talking about me, you and us.

As the sun sets, coloring the sky with a warm orange the church bells chime ending the Mass. I walk to the center of the Cathedral’s plaza and wait for you to come out. In the flood of people going out, I would have drowned in their looks and glances like I was a crazy man standing there, but no because I am stronger now than I were before I met you. I must admit that every step every passer-by makes my heart skip a beat. The fear that you could have passed by already, or went the other way scared the crap out of me. The fear that I could have waited for nothing pierces through my chest and make my my fragile heart crumble. But no, I know it is today. Today is the day we’ll be free to love each other.

5 minutes….10 minutes have passed. Still there’s no sign of you. People coming out gets fewer and fewer. I was beginning to worry. A crowd of onlookers have started to gather in a circle around me. Curious of what is going to happen, what this guy holding a bouquet of stargazers and white roses would do or to whom will he give it to. I was starting to lose hope, those fears starting to consume me and the looks starting to drown me in embarrassment. Until…

Continue reading “Waiting at the Cathedral”