Ganito Pala

Masaya ako na mahal pa rin kita.
Kahit hanggang dito lang talaga
Masaya pa rin ako na mahal kita.
Tanggap ko na, hindi na ako aasa

Ganito pala, pag nahanap mo na.
Magiging sumpa or gantimpala
Dahil minsan kailangan magparaya
Para sa taong sayo’y nagpapaligaya

Mahal kita, walang halong drama.
Ayaw kong mag move on sa’yo
Masaya akong minamahal kita
Mahal kita dahil dun ako masaya.

Nakakatakot Magmahal

…hindi dahil masasaktan ka o makakasakit ka…

…hindi dahil kailangan mong ibigay ang lahat at walang dapat matira 

…hindi dahil baka maiwan ka sa ere o ikaw ang kailangang umalis at mang-iwan.

…hindi dahil baka may magbago o baguhin kayo nito. At sa pagbabago na yon, tila makukulong kayo sa isat isa dahil ayaw niyo yung kinahinatnan ng pagbabago niyo

…hindi dahil mawawala ang pagmamahal, masasanay kayo at maghahanap ng iba.

Nakakatakot magmahal dahil…

…siya na, siya lang at wala nang iba.

…walang may alam kung sino siya.

…siya na at siya lang habang buhay.

heto tayo hinahanap siya sa isa’t isa, 

Ngunit ni isa sa ating handang maging “siya” para sa iba.

Basta pag andyan na siya…

Ako ay naniniwala…

Masasabi kong “Siya na Talaga.”
Mahirap magmahal ng taong hindi mo pa nakikilala.

Ito na ata yung araw…

Alam mo yan.

Gusto kita. 

Hindi parang bagay na pwedeng bilhin at angkinin, kundi isang tao ninanais kilalanin.

Sa aking pagkahumaling sa iyong mga matang nagniningning, sa mga ngiting ubof ng tami at mga matang kumikislap.

Ang iyong tinig na nais kong marinig. Ang iyong tawabg nakakakilig. At ang iyong mukhang nais maaninag.

Alam mo yan. Gusto kita. Gusto kitang mahalin. Pero

Hindi ka bagay na pwede kong angkinin. Hindi ka aso na pwede akong matutunang mahalin. 

Hindi ako yung taong nakukuha lagi ang aking gusto. Hindi ako yung taong itatapon na lang ang isang bagay pag nagsawa na dito. At mas lalong hindi ako ang taong kaya mong mahalin at magkagusto.

Alam natin yan. Mabuti na’ng klaro.

Ayoko ko lang umabot sa punto na sabihin mong ako ang sumuko dahil handa akong mahalin ka hanggang dulo. Hindi madali sa akin ang sumuko dahil ako mismo nilabanan ang sarili kong puso. Naniwala, umasa at inasam na “pwede” pa, nabuhay sa “baka”at naniwala sa “paano kaya” pero namulat sa “hindi pwede” “sigurado” at “ito na yun” Gaano man kasakit para sa akin ang mga pabgyayari, ganun din naman ito kasaya. Kaya….wala kang kasalanan. Hindi ko din kasalanan na masabi kong “baka mahal kita”, sinubukang “pwede kaya tayo” at “paano kaya kung naging tayo”

Hindi kasalanan ang magmahal. Hindi din kasalanan ang tumanggi sa pagmamahal.

Pero hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kung pipilitin kong hindi mahalin ang taong gusto kong mahalin at mahalin ang taong hindi ko naman kayang mahalin.

Salamat. Ako na ang magsasabing hanggang dito na lang talaga. Dahil…

Alam ko na.

…na malalaman mo na ito.

Ang Katotohanan

02/01/17

Ang katotohanan.

Kahit ilan pang toneladang weights ang buhatin ko at ilang kilometro ang takbuhin ko; kahit ilang kilo ang mabawas ang timbang ko; magkaroon ng hindi makataong abs at kinis ng mukha; magkaroon pa ako ng balat na rila binabanlawan ng gatas; kahit ilang tao ang magsabing gwapo naman ako….HINDI AKO MANINIWALA.

Dahil sa mata ko, sa nakikita ko sa harap ng salamin, ako ang pinakapangit sa lahat. Hindi ako angat, tawag pansin at espesyal….

Dahil sa KATOTOHANANG kahit nasayo na ang lahat, kung hindi ka nakikita ng taong mahal mo, ang halaga mo, hindi mo rin pangangalagahan ang sarili mo. Hindi mo kayang matatanggap ang katotoohanan na “sapat na” dahil feeling mo “kulang pa” kase hindi ka pa napapansin ng mahal mo.

Pagsinungalingan mo man ang sarili mo na “dapat mahalin muna ang sarili” sinong niloko mo?

Hindi ka masaya magisa

Hindi ka masaya kahit may kasama

Jouska Primus

Jouska – n. a hypothetical conversation that you compulsively play out in your head—a crisp analysis, a cathartic dialogue, a devastating comeback—which serves as a kind of psychological batting cage where you can connect more deeply with people than in the small ball of everyday life, which is a frustratingly cautious game of change-up pitches, sacrifice bunts, and intentional walks.

You know I like you. If I was able to do that, I don’t have remain anonymous anymore. I can invite you to dinner, watch movies or a a date in general whenever I want to. 

You once told everyone you don’t see yourself being in a relationship at the moment. That you want to focuse on your studies, career and yourself in general. I respect that so I had set my limits. I am continously swallowing the truth that the closest thing we can have between us is friendship….not even a deep one.

So please if you think I asked that question, reconsider my side. I lost the possible future with you, I don’t want to lose what I have with you at the moment, no matter how small or shallow that is.