Sisi

Hindi ko inakala
Aking paubaya
Iyong binalewala
Kaya siya nag-iisa

Sana di na umasa at nagtiwala
Sa mabulaklak mong mga salita
Sana di naniwala na sa’yo siya sasaya
Isang pagkakataong, mapaminsala

Hindi ko na maibabalik ang nakaraan
Hindi ko maayos ang kasalukuyan
Ang bukas na aking tinatahak
Tila malayo at akin lamang

Kaya sa susunod na ako’y magmamahal
Di na magpaparaya, di na magpapaubaya
Dahil sa pagmamahal ko lang ako sigurado
Ako lang ang may kakayahan magbigay nito

Leave a comment